Ako, Doraemon
Totoo pala si Doraemon.
Di ko naman kasi akalain na mamaga ang kanang pisngi ko ng ganito. Parang nung martes lang eh kumain ako ng enchiladang keso at burrito sa Mexicali. Sabi kasi ng tito ko mas ginaganahan daw syang kumain pag masakit ngipin nya. Sinunod ko naman.
Dumating ang miyerkules, araw ng mga patay, di man lang ako nakapunta sa puntod ng lolo't lola ko dahil sa sobrang sakit ng ngipin ko. Eto pa! Inuwian pa ko ng favorite ko na zinger, fries, mash potato at sarsi - isang parusang gustong gusto ko.
Dumating ang huwebes at bumulaga naman saken ang big classic burger, biggie fries at biggie iced tea ng wendy's! Habang nanonood ng "The Prestige" eh nagpe-prestige naman akosa mga kinakain ko! Tang'nang bibig to di mapigilang kumain! Masakit na nga yung ngipin ko di ko pa rin tinitigil ang paglamon ko!
Dumating ang huwebes ng hapon at di ko na maitago ang sobrang sakit ng ngipin ko. Tumingin ako sa salamin at nakita ko si Quasimodo. Kahit siguro si Picasso di maipipinta ang mukha ko ngayon!
Bactidol, Mefenamic acid, Amoxicillin, Ceneflex... ano na susunod, Damo?
Doraemon, meron ka ba dyang makina na nagpapa-impis ng pisngi? Tulungan mo naman ako. Tutusukin ko na ng karayom to!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home