Paghihintay sa may Pasig Blvd
Malamig ang madaling araw sa may Pasig Blvd.
Kakaiba kumpara sa mga gabi na nagdaan.
May kirot ang hangin na tumatagos sa kulay pula kong jacket.
Nawala na ang init ng pansamantalang kaligayahang dulot ng pag-alala sa nakaraan.
Natakpan na ng anino ng flyover sa c5 ang liwanag ng aking isipan.
Habang tinitignan ko ang mga sasakyan na nagdaraan
napangiti ako sa nawarian ko-
Nagmamadali ang ibang taong umuwi habang naghihintay naman ako ng oras ng pagpasok
Nakakatuwa.
Sa madaling araw mo lang maaaring mapagtagpo ang isang tao ng liwanag at isang tao ng dilim.
Ngunit di mo mapagtatagpo sa Pasig Blvd ang isang taong umiiwas na sa isang taong labis syang minamahal at hinihintay ang kanilang muling pagkikita.
Nakakalungkot palang maghintay.
Tangna. Nakakalungkot maghintay.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home